Wednesday, February 08, 2006

Jovial Days In Hell

Last Saturday, I got a chance to climb to the top of Quezon City Memorial Tower. 66 meters ang height niya from the base to the head of the angels sa tuktok. Masaya siya na nakakapagod kasi narrow spiral staircase lang ang gamit paakyat sa taas. Tapos sobrang dilim pa. When I reached the top, it was a fulfilling thing for me because I reached the top despite the fact that I am afraid of heights. Pakinshet!!! Ang saya. Kitang-kita mo ang nakapaligid sa QC Circle. Basta If you ever get a chance to go to the QC Memorial. Try nyo i-ask kung pwede umakyat. Sabihin nyo lang na gagawa kayo ng dokyu about it. Di ba Aisha, Kacey? Hehehe…


DA VIEW FROM DA TOP
Commonwealth Avenue

North Avenue

Quezon Avenue

Quezon City Hall

After the QC Circle Adventures, Aisha, Kacey and I met with Misha (tama ba spelling?) sa Philcoa and we had lunch sa Ihaw-1. Wala lang it was a different feeling being with people whom you are not used to be with. Pero things went on just fine. Di naman ako na-OP. hehehe Siyempre at first naiilang ako pero as the conversations went on, walang-hiyaan na.


I would like to thank the cinemasters for making me the way I am these days kahit na maraming mga bagay ang nangyari sa akin na hindi natin inasahan. Ganyan talaga eh. Alangan naman pigilan. Basta guys sobrang salamat. KZ, Icang, Chinggay, Ayn, Glenn, Tonet, Leo, ES, Jerwin, Bebs, Ace, Joyce, Yosha, Kepi, Frances at sa lahat ng bumubuo ng UP CINEMA!!! Salamat talaga.

At sa isang tao na pinapasaya ako sa mga kakulitan at kakornihan. Kahit na inaapi lang ako lagi, ok lang basta masaya ka; masaya na rin ako. Hahaha. Kilala mo na kung sino ka. Salamat sa iyo
.


THESIS THESIS THESIS…




Nagpapasalamat din ako kay ICANG, CHINGGAY at AYN. Kasi pinagkatiwala nila sa akin ang kanilang mga pinakamamahal na mga THESIS. It was a blast being a Cinematographer for the two theses. Hindi ko alam kung ano lalabas pero sinisigurado ko sa inyo, Ive done my best para mapaganda yun. At sa aking partner in crime sa cinematography na si Kizzy, salamat din sa pagsalo pag pagod na ako. Hahaha Sa Friday-Saturday naman ay thesis shoot naman nina Irene Ladignon at Sheena Astete. Ganun pa din ang aking trabaho. Kamusta naman ang change of contrast for every shot ha. Para sa inyong dalawa, magdasal na kayo. Hahahaha loko lang Irene at Sheena "da iswolen wan".


Wednesday, January 18, 2006

Life After Death

Totoo ba ang sinasabi ng linyang yan…

Bakit minsan ang daya ng buhay. Sinusubukan mo na magpakatino at magpakagaling sa kung ano man ang ginagawa mo pero ano ang sukli? Lungkot. Oo nga masaya sa umpisa pero susunod at susunod ang lungkot. Hindi ko alam bakit ganito ang takbo pero tinatanggap ko na lang.

Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Para maging masaya siya. Mapunuan ko man lang ang pagkukulang ko dahil sa malayo kami sa isa’t isa. Kahit anong sabihin niya sinusunod ko hangga’t makakaya ko. Mahal na mahal ko siya at hindi ko siya iiwan. Yan ang sabi ko sa kanya. Ngumingiti siya at niyayakap ako. Akala ko masaya na siya sa pinakita ko sa kanya. Yun lang naman muna ang kaya at mabibigay ko sa kanya ngayon eh. Pero hindi pala.

Ika nga ng Eraserheads “marami ang namamatay sa maling akala”.

Hindi ko inakala na ganun ang mangyayari. Masakit para sa akin kasi alam ko sa sarili ko na ginagagawa ko ang lahat para lang mapasaya siya. Hindi naman ako nanunumbat sa kanya sa lahat ng ginawa ko. Hindi rin naman ako naging demanding at hindi rin naman ako naging mahigpit sa kanya. Pero bakit ganito ang nangyari? Bigla-bigla na lang sasabihin na hindi na niya ako mahal at hindi na siya masaya. Para akong napagsakluban ng langit at lupa. Ano ba ang mali na ginawa ko? Oo hindi ako guwapo, hindi ako mayaman. Pero totoong tao naman ako at minahal ko siya ng totoo. Hindi lang minahal, sinamba pa. Sabihin ng tanga ako. OO aminado ako na nagpapakatanga ako sa kanya. Ayos lang. Wala ako pakialam sa sasabihin ng mga tao.

Ngayon di ko alam kung ano ang mangyayari sa akin? Wala akong matakbuhan habang nasa gitna ng kadiliman. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Ni hindi minsan di sumagi sa isip ko na ganun ang masasabi niya sa akin. Akala ko na kumpleto na pero hindi pala. Akala ko dahil mahal ko siya; mahal niya rin ako. Yun pala eh one-way chicken din naman.

***

Thank you for all the times that were together. All those times I will forever cherish and always be in me. Thank you for making very happy at one point in my life.

Though things turned out bad, I can proudly say that
YOU’RE THE BEST I EVER HAD

***

But though you’re still with me, I’ve been alone all along
-“my immortal” evancesence

Tuesday, September 27, 2005

BAD TRIP!!!

hayyy!!! Di ko na alam kung ano ang uunahin ko na paper. sabay-sabay kasi nagdatingan 'tong mga hinayupak na mga reviews eh.... Bad trip talaga.

And syanga pala, napag-usapan na rin lang ang bad trip, manood kayo ng DOKYU: Ang Bagong Mata Ng Pinoy Documentaries ngayong Wednesday 10 PM sa ABC 5.

Ipapalabas ang documentary namin na ang title ay... you guess it right!!! BAD TRIP


Tuesday, September 20, 2005

Samu't Saring Bagay na Nagpapasaya ng Buhay

Una muna ay ang aking pamangkin, pangalan niya ay Kristiona Ma. Ysabel Rebao-Pulga Para di mahirapan binigyan siya ng palayaw na "Yona". Pinanganak siya noong September 11, 2005. Hindi ko na naman siguro kailangan i-explain kung bakit siya nagpapasaya di ba? Heto ang kanyang mga pics.






Ayan di ba? hehehe

*************************************************

Pangalawa, ang girlfriend ko. Si Loura. Masaya ako kasi kahit malayo kami, naiintindihan niya ang situation namin. kahit na minsan may mga tampuhan kami, naayos din naman. Basta masaya ako at sobrang thankful dahil sa kanya. Heto naman siya...

siya yung nasa right!! ahahaha

*************************************************

Ang susunod naman ay si Chris Cunningham. Di kami close pero idol ko siya. Sobrang galing niya gumawa ng music videos. nakukuha niya ang meaning ng isang song at astig ang pag-interpret niya ng visual form nito. tatlo pa lang ang nagawa niyang mga shorts. Noong 2001 ginawa niya ang flex at ang Monkey Drummer. At recently ginawa niya ang Rubber Johnny. Ginawa niya rin ang music video ni Madonna na Frozen at ilang music videos ni Bjork.

Kung mapapanood mo ang mga gawa niya, akalain mong weird siya. Pero ang totoo magaling lang talaga siya. masasabi mo sa sarili mo na, "bakit di ko yan naisip?".



Chris Cunningham

Stills ng mga nagawa niya...

flex

Monkey Drummer (Astigas!!)

Meet "Rubber Johnny" hehehe





Friday, September 16, 2005

The Thesis Proposal Chronicles

yey!!! tapos na rin ang thesis defense namin ni KZ nung tuesday. Maraming nakakatawang pangyayari nung martes. Sa sobrang kaba dinadaan na lang sa kanta, dinadaan na lang sa yosi, sa pagkain o sa pagbinyag ng bagong pangalan sa prof. hahaha pero siguro mas nakakatawa ang nangyari sa akin habang nagdedefend kami ng partner ko.
sobrang kinakabahan ako sa pageexplain ng aming thesis. parang di ko na alam kung ano mga sinasabi ko pero naiintindihan naman nila. After ko mag-explain, biglang bumira ng tanong yung German prof namin ng...

"Does the food have an allegorical meaning?"

NAMPUTCHA naman!!! <nose bleed>

di ko alam isasagot ko. allegorical? huh? leche!! di nga namin naisip ang ganun habang ginagawa namin ang proposal e. buti na lang siya din yung sumagot ng tanong niya. hehehe

At eto pa, habang nagbibigay ng mga suggestions and advise ang panel, hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

Sa sobrang kaba, eto ang interpretasyon at isinulat ko habang nagsasalita sila...

SANA MAPAKITA NA KAHIT MABAGAL MAY MAPAKITA PA RIN ANG PAGIGING OK KAHIT MABAGAL...

Kamusta naman ang syntax of words. huhuhuhu may problema na ata ako sa Vernicke's Area (tama ba?)

******************

Salamat nga pala kay Sir Roehl Jamon!!! salamat sa tulong before the defense. nabuo yung kwento namin dahil sa yo. isa kang idolo Stanley...

Friday, September 09, 2005

Nasa Kawalan Aq (take note of the Q) hehehe

Now I know that we were close before.
I'm glad I realised I need you so much more.
And I don't care what everyone will say.
It's about you and me.
And we'll never be the same again.
--- Never Be The Same Again
by MEL C.

Yung linyang yun ay para sa babaeng nagpasaya, nagpalungkot, at nagpagulo ng buhay ko.

Ang babaeng hindi nagpapakopya tuwing may quiz nung high school kami.

Ang babaeng tinulak ko nung high school at nadapa at biglang pumasok sa room at umiyak nang umiyak.

Ang babaeng mahilig kumain ng alimango kahit mabaho sa kamay yun.

Ang babaeng kumakain ng medical books at umiinom ng dextrose.

Ang babaeng sumakay sa trip ko at di namalayang siya na pala ang napagtripan nun. hehe

Ang babaeng hindi mo kailan man maasar kasi nakakatakot kung magalit.

Ang babaeng kelangan mo itxt everyday para hindi mag-alala kung buhay ka pa ba o hindi na.

Kilala mo na kung sino ka... hehehe

Friday, September 02, 2005

After the Storm... May Susunod Pang Isa

Paghahanap ng Liwanag sa Ilalim ng Kadiliman ng Dagat

Hahanapin ko ang katotohanang nabigo ako
Sa di magkaumayaw na pangyayaring naglugmok sa sarili
Ang nakabibinging dilim na ikinukubli ang aking mithiin
Sana'y pumanaw at sana'y mawari

Naglalaro ang isip ko sa samu't saring imahe
Interpretasyon ng magulong isip
Sanay na ako na natatapon ang naiipon
Pero gusto kong maibalik ang kahapon

Hindi ako nagsisisi sa aking ginawa noon
Ang pagsabi ng totoo ang tanging solusyon
Ngunit ang pagiging totoo minsan ay nakakalito
Bakit ganito, bakit ako ang talo

Pilit ko mang paniwalain ang sariling maaayos pa
Hindi ko maikakaila ang tagong hinagpis
Isa lang ang mahihingi ko sa kabila ng kabiguan
Mithiin ko'y bumalik at sana'y wag nang iwan



Haaaayyyy Layp!!! Sa dami ng mga ginagawa ko ngayon, di ko na alam kung ano ang uunahin. Minsan nakakainis na sobra na para bang ayoko na. Pero hindi puwedeng hindi eh. Kailangan ko tapusin ang nasimulan.
Ayos na sana eh, natapos ko na ang experimental midterms ko, maayos na ang midterms sa ibang subject. Makakapagpahinga na ako at makakatulog nang biglang... too toot too toot!!!

1 message
received
Open

Opening...

Opening message...

Syet!!! Di ko na lang isusulat dito ang text message mismo kasi nakakalungkot. basta gusto niya makipag-cool off sa akin. Hindi man lang ako nakapag-explain nang matino tapos ganun ang gagawin. nakakalungkot man hinayaan ko na muna. Palilipasin ko na lang muna to. Baka bukas maaayos din to.



>> So Its ME<<

this
mababaw
masayahin
ako ito
ano magagawa nyo?





>> mga kabigang maaangasan <<

  • Kizay
  • *KZ "Thesis Potnah!!!"
  • Wanna Die?
  • *Irene "Pakyu ko"
  • Bittergrace
  • *Ayn "Uyy kilig..."
  • Ang Kabalintunaan
  • *Bebs "KK"
  • Stairwell Above Gray...
  • *Loura
  • Ang Mole-at
  • *Tonet "Stacie O"
  • Positivity
  • *Leo V. "Survivor"
  • Alliteration
  • *Mimay
  • Blog ko to
  • *Ace "Pungay"
  • *Hogi "Tita Barbie"
  • Chabelits
  • *Yosha "da girl wit..."
  • Im a Superstar!!!
  • *Kacey
  • Lena's World
  • *Lena
  • Under the Sea
  • *Mao
  • Stellar
  • *Klara
  • The Minds, Times and Life
  • *ES
  • Dead Zone
  • *Vince
  • Subterranean Subterfuge
  • *Bambam
  • Black Autuer
  • *Kriz
  • Chinita Magnet
  • *Nikko
  • Fairy Tale Machine
  • *Ayeesha

    Mga Astiging Sites

    Kilala Nyo Ba Ang Ako?

    Ang Aking Munting Bayan

    All About Filmmaking



    HOW YA DOOWWINN?!






    Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com